Pulitikong humihingi ng advance questions, tinawag na bobo ng isang propesor

Pulitikong humihingi ng advance questions, tinawag na bobo ng isang propesor

TINAWAG na bobo ng isang propesor ang pulitikong humihingi ng advance questions.

Ito ang binigyang-diin ni Political Analyst at Professor Clarita Carlos sa panayam ng SMNI news, na bobo ang sinumang politiko na humihingi ng advance questions.

Dito na rin sinabi ni Carlos na napakaimportanteng tanungin ang mga kakandidato kung ano ang posisyon nila hinggil sa constitutional reform.

Sa usapin naman sa posibleng Bongbong Marcos- Sara Duterte tandem sa 2022, antayin at panuorin nalang umano ng publiko ang susunod na mangyayari.

Magugunitang nagkita ang dalawa sa Cebu matapos pareho silang pumunta sa birthday ng asawa ni House Majority leader Martin Romualdez.

Suhestiyon na rin ni Carlos na baka maaaring ipa-accredit sa Commission on Elections at gawing political party ang Hugpong ng Pagbabago na partido ni Davao City Inday Sara Duterte.

SMNI NEWS