Thailand, bukas na para sa Nordic travelers

Thailand, bukas na para sa Nordic travelers

Bukas na ang Thailand sa mga turistang mula sa Nordic countries ngayong Nobyembre 1.

Sa inilabas na Facebook post ng Thai Foreign Ministry, kasama ang Denmark, Sweden, Norway, Finland, at Iceland sa 46 na bansa na hindi dadaan sa mandatory quarantine mula Nobyembre 1.

Subalit ayon sa Health Ministry ng bansa dapat fully vaccinated umano ang mga nasabing turista at may patunay ng negative COVID-19 test results bago ang departure.

Habang kinakailangang manatili muna ng isang araw ang mga nasabing Nordic travellers sa isang hotel.

Ayon kay Thai Prime Minister Prayut Chan-O-Cha kung hihintayin pa nila na magiing maayos ang lahat baka huli na ito.

Samantala, bantay sarado parin ang pamahalaan ng Thailand sa pagpapatupad ng health protocols sa mga tourist spot upang maiwasan ang pagkalat ng COVID-19.

SMNI NEWS