UMABOT na sa 6,516 galon ng purified water ang naipamahagi ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa mga nasalanta ng matinding pagbaha sa Northern at Eastern Samar.
Ito ay para sa panggamit at pangluto ng mga pamilya sa mga apektadong lugar habang hinihintay pa ang resulta ng water test doon.
Bitbit ng Public Safety Division at Road Emergency Group ng MMDA ang nasa 60 unit ng solar-powered water purification system na kayang makalikha ng 180 galon ng inuming tubig kada oras.
Kabilang sa naserbisyuhan ng MMDA ang Municipality of Mondragon- Brgy. Bagasbas, San Roque- Brgy. Pagsanjan, Municipality of Lope de Vega-Barangay: Poblacion, Municipality of Catarman- Brgy. Hinatad, Municipality of Catarman- Brgy: Tinuwaran.