Putin, nagdeklara ng martial law sa mga rehiyon ng Ukraine na iligal na sinakop ng Russia

Putin, nagdeklara ng martial law sa mga rehiyon ng Ukraine na iligal na sinakop ng Russia

NAGDEKLARA si Russian President Vladimir Putin ng martial law sa mga rehiyon ng Ukraine na Dnetsk, Lugansk, Kherson, at Zaporizhzhia na ilegal na sinakop ng Moscow.

Ani Putin, nilagdaan niya ang decree na ipatupad ang martial law sa apat na nabanggit na rehiyon na nasa ilalim ng Russian Federation.

Inanunsyo ni Putin ang martial law matapos na umabante ang pwersa ng Ukraine sa mga teritoryo na pinanghahawakan na ng Moscow ng ilang buwan.

Sa ilalim ng Russian Law, pinapayagan ng martial law ang pagpapaigting ng pwersa ng militar, curfews, limitadong paggalaw, at panghihimasok ng mga foreign citizens.

Follow SMNI NEWS in Twitter