DAPAT matutukan ng Department of Agriculture (DA) ang iba’t ibang programa na nararapat sa ahensya.
Ayon kay Sen. Risa Hontiveros, hindi lang dapat nakatuon ang atensyon ng ahensya sa rice development.
Sa Senate hearing ng proposed 2023 budget ng DA, sinabi pa ni Hontiveros na napapansin niyang mas mahirap ang mga magsasaka ng gulay, isda at iba pang hayop kung ikukumpara sa mga magsasaka ng palay.
Binigyang-diin ni Hontiveros na ang kawalan ng diversification ng mga programa ang siyang dahilan sa underdevelopment ng sektor ng agrikultura.
Ipinaliwanag naman ni DA Usec. Domingo Panganiban na may mga programa ang ahensya ngayon para sa buong bansa na sumusuporta sa ibang uri ng magsasaka.
