Presidente ng UAE, nakipagkita kay Russian Pres. Vladimir Putin sa St. Petersburg

Presidente ng UAE, nakipagkita kay Russian Pres. Vladimir Putin sa St. Petersburg

NAGKAROON ng pagpupulong ang Presidente ng United Arab Emirates (UAE) na si Sheikh Mohamed at Russian President na si Vladimir Putin.

Ayon sa State News Agency na WAM, binigyang-diin ni Sheikh Mohamed ang polisiya ng UAE na sumusuporta sa kapayapaan at stabilidad at nananawagan ng seryosong pagpapatuloy ng konsultasyon para maresolba ang Ukrainian crisis.

Nagkita ang dalawang lider sa Constantine Palace sa Strelna, labas ng ikalawang syudad sa Russia.

Napag-usapan din ng dalawang lider ang pagpapalalim ng ugnayan ng UAE at Russia.

Samantala, bumisita rin si Sheikh Mohamed sa Belgrade noong Lunes para makipagkita kay Pres. Aleksander Vucic.

Follow SMNI NEWS in Twitter