NAGTAYO ng panibagong engrandeng hotel ang bansang Qatar.
Ang itsura nito ay kahawig ng kanilang ‘crossed scimitars’, ang iconic emblem ng bansa.
Ang scimitar ay isang uri ng tabak na nakakurba ang disensyo ng patalim nito.
Ibig sabihin, kung ibabatay sa logo ng Qatar, dalawa itong nagkasalubong na tabak sa hawakan.
Samantala, dahil nga at kahawig ito sa emblem ng Qatar, dalawa ang brands ng itinayong hotel at ito ang fairmont at raffles.
Ang fairmont ay para sa mga guest na nais magdiskubre ng local destination at culture.
Ang raffles naman ay para sa mga guest na naghahanap ng bago at kakaiba na cultural experience.
Ang bagong engrandeng hotel na ito ay tinawag sa kabuuan bilang Katara Towers.