Sen. Dela Rosa, walang dapat ikatakot sa pagbiyahe abroad basta hindi lang sa Europa—Atty. Roque

Sen. Dela Rosa, walang dapat ikatakot sa pagbiyahe abroad basta hindi lang sa Europa—Atty. Roque

WALANG dapat ikatakot si Senator Ronald ‘Bato’ dela Rosa hinggil sa warrant of arrest ng International Criminal Court (ICC) laban sa kaniya lalo na kung hindi ito mahilig pumunta sa Europa.

Naibahagi ni Atty. Harry Roque, bagama’t may obligasyon ang mga miyembrong bansa ng ICC na makipag-cooperate sa anumang warrant na inilabas nito, halos European o African lang din naman ang kasapi nila.

Inamin ni Dela Rosa na umiiwas siyang bumiyahe sa mga bansang may kaugnayan sa ICC.

Aniya, mahirap na maging kumpiyansa dahil maaaring ipatupad ang search warrant kung magkataon na bumibiyahe ito sa member countries ng ICC.

Hinalimbawa ni Dela Rosa dito ang mga bansang Netherlands, Italy at France.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter