DAGSA na ang Quezon City Hall ng mga aplikanteng naghahanap ng trabaho sa isinasagawang job fair ng LGU bilang bahagi ng Labor Day, ngayong araw, Mayo 1.
Aabot sa 100 kompanya ang lumahok sa naturang aktibidad na magbibigay ng oportunidad o trabaho sa 9,000 aplikante.