NAGBIGAY ng donasyon ang Korean artist na si BoA, ang tinaguriang “Queen of K-pop” ng 50 million won sa Asan Medical Center sa Seoul.
Itinaon ito ng artist sa pagdiriwang ng Children’s Day ng South Korea.
Ang halaga ay ilalaan naman para sa pagpapagamot ng mga kabataang cancer patient.
Noong Enereo ngayong taon ay nagbigay na rin si BoA ng 100 million won bilang tulong din sa mga kabataan.