SIGURADO na ang future ng dalawang Pinay at isang Fil-Korean contestants sa K-pop world.
Ito’y dahil inanunsiyo ng survival program na “Universe Ticket” na si Gehlee Dangca ang ika-apat na miyembro ng bubuuing 8-member girl group ng F&F Entertainment na “UNIS”.
Ang Fil-Korean na si Jin Hyeon-ju o Belle mula sa girl group na Cignature ay inanunsiyo rin na huling member para dito.
Bago ang dalawa ay nauna nang inanunsiyo ang Pinay na si Elisia Parmisano bilang miyembro.
Kung matatandaan, 82 contestants ang sumali rito mula sa mga bansa tulad ng Thailand, Malaysia, Indonesia, Japan, China, Canada, at Australia.