Rehabilitasyon ng mga lugar na naapektuhan ng oil spill, pinaghahandaan na—OCD

Rehabilitasyon ng mga lugar na naapektuhan ng oil spill, pinaghahandaan na—OCD

PAPLANUHIN ng Office of Civil Defense (OCD) ang mga programa, proyekto, at aktibidad sa gagawing rehabilitasyon at pagbangon ng mga lugar na naapektuhan ng oil spill sa Oriental Mindoro noong Pebrero.

Kaugnay nito, mahigit P800-M ang halaga ng tulong na naibigay ng gobyerno sa mga naapektuhan ng oil spill.

Ito ang inihayag sa pulong ng National Task Force on the Oil Spill Management sa Camp Aguinaldo, Quezon City.

Kabuuang 42,487 pamilya sa MIMAROPA, CALABARZON at Western Visayas ang naapektuhan ng oil spill.

Habang P4.9-B ang halaga ng pinsala at pagkalugi sa mga pangisdaan sa MIMAROPA at Western Visayas.

Sinabi ni Civil Defense Administrator Undersecretary Ariel Nepomuceno na matapos ang oil spill removal operations, pinaghahandaan na ng task force ang Post Disaster Needs Assessment (PDNA).

Paplanuhin ng task force ang mga programa, proyekto, at aktibidad sa gagawing rehabilitasyon at pagbangon ng mga lugar na naapektuhan ng oil spill.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter