SINAMPAHAN ng patong-patong na kasong libel si Rep. Ace Barbers ng ilang social media influencers sa Quezon City Prosecutor’s Office ngayong Miyerkules, Marso 5, 2025.
Kabilang sa mga nagsampa ng kaso sina Dr. Lorraine Badoy, Atty. Trixie Cruz-Angeles, Krizette Chu, Cathy Binag, Joie De Vivre, MJ Quiambao Reyes, Mark Anthony Lopez, at iba pa.
Nag-ugat ang reklamo matapos akusahan ni Barbers ang grupo bilang mga “narco vloggers” at may koneksiyon umano sa POGO—mga paratang na mariin nilang itinanggi.
Ayon sa kanila, walang basehan ang mga pahayag ng kongresista at labis itong nakaapekto sa kanilang reputasyon at kabuhayan. Dahil dito, naghain sila ng kasong libel para ipagtanggol ang kanilang pangalan at papanagutin si Barbers sa kaniyang mga alegasyon.