Rep. Loren Legarda, Gov. Chiz Escudero, at iba pa, naghain ng COC sa pagka-senador

Rep. Loren Legarda, Gov. Chiz Escudero, at iba pa, naghain ng COC sa pagka-senador

NAKAPAGHAIN na ng kanilang Certificate of Candidacy (COC) ang ilang mga senador tulad ni Representative Loren Legarda at Governor Chiz Escudero para sa pagka senador.

Sa unang araw ng paghahain ng Certificate of Candidacy sa Sofitel tent sa Pasay City, “early bird” si Antique Representative Loren Legarda sa mga naghain para sa pagka-senador.

Si Legarda ay tatakbo para sa senatorial post sa ilalim ng Nationalist Coalition (NPC).

Samantala, naghain naman si Attorney George Garcia ng COC para kay Sorsogon Governor Chiz Escudero sa pagka-senador.

Maging si Lutgardo Barbo na dalawang beses ng naging senate secretary sa ilalim ng mag-amang “Nene” at “Koko” Pimentel ay tatakbo rin sa pagkasenador sa ilalim ng ruling party na PDP-laban.

Kabilang rin sa naghain ng COC sa senatorial post sina Abner Afuang, Bay Maylanie Esmael, Norman Marquez, at Bertito del Mundo.

SMNI NEWS