NAKATAKDANG manumpa sa posisyon si Congressman Ralph Recto sa harap ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. bilang bagong secretary ng Department of Finance (DOF) ngayong araw ng Biyernes, Enero 12, 2024.
Ito ay matapos kumpirmahin ni Presidential Communications Office (PCO) Secretary Cheloy Garafil ang pagkatalaga sa nasabing puwesto ni Recto.
Una nang inihayag ni dating Batangas Governor Vilma Santos na itinalaga na bilang kalihim ng DOF ang kaniyang asawa na si Recto.
Bukod kay Recto, manunumpa rin sa harap ni Pangulong Marcos si Frederick Go bilang Special Assistant to the President for Investment and Economic Affairs.