Ressa, umapela na lang na walang kasabay na paninisi – Political Analyst

Ressa, umapela na lang na walang kasabay na paninisi – Political Analyst

UMAPELA na lang sa Korte Suprema si Maria Ressa na walang kasabay na paninisi lalong-lalo na kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos.

Ito ang sinabi ni political analyst Antonio Contreras sa panayam ng SMNI News.

Hindi rin tama aniya na sabihin ni Ressa na sinusupil ng kasalukuyang administrasyon ang kalayaan ng pamamahayag dahil kahit maayos na ipinag-utos ng Securities and Exchange Commission (SEC) na huminto na ang operasyon ng Rappler na pinamumunuan niya ay hindi pa rin naman sila nagsara.

Samantala, binigyang-diin din ni Contreras na hindi ipinanganak si Ressa at ang Rappler na exempted sa batas ng lupa kung saan sila lang ang maaaring manira sa kahit sinuman.

Kasunod nito, ipinanawagan ng political analyst na hindi maaaring hayaan si Ressa at ang Rappler na magbigay depinisyon kung ano ang nararapat para sa bansa lalong-lalo na sa abroad.

Follow SMNI NEWS in Twitter