Restrictions sa alert level system ng pandemic, posibleng bawasan

Restrictions sa alert level system ng pandemic, posibleng bawasan

IREREKOMENDA ng Department of Health (DOH) sa Inter-Agency Task Force (IATF) na alisin na ang ilang restrictions na nakapaloob sa umiiral na alert level system.

Ito ay kahit nauna nang sinabi ng DOH na hindi pa maaaring masabi na malapit na sa endemic stage o pangkaraniwan na lang na sakit ang COVID-19 sa bansa.

Ipinaliwanag ni DOH OIC Maria Rosario Vergeire na ang alert level system ng DOH na gagamitin ay halos katulad ng sa PAGASA na tinawag namang ‘storm signal’.

Samantala muling nanawagan si Vergeire sa sambayanan na mahalagang mag-ingat pa rin, lalo na ngayon na magpapasko at uso na naman ang mga party o mga pagtitipon.

Iginiit ni Vergeire na nananatili pa ring umiikot ang virus, kaya ang panganib na maidudulot nito ay posibleng maging super spreader events ngayong Kapaskuhan.

Follow SMNI NEWS in Twitter