PBBM, inaprubahan na ang mas relax na entry rules sa Pilipinas

PBBM, inaprubahan na ang mas relax na entry rules sa Pilipinas

INAPRUBAHAN na ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang mas relax na entry rules para sa mga biyahero.

Batay sa inilabas ng Inter-Agency Task Force na Resolution No. 2, wala namang pre-departure testing para sa fully vaccinated travelers.

Sa mga unvaccinated, partially vaccinated, at unvalidated ang vaccination status ay kinakailangan itong makakuha ng negative antigen test isang araw bago ito tutungo sa Pilipinas.

Kung matatandaan, pinapahintulutan na rin ni Pangulong Marcos ang boluntaryo na pagsusuot ng face mask sa indoor at outdoor areas.

Ang mga vulnerable tulad ng mga matatanda, may comorbidities, immunocompromised, pregnant women, unvaccinated at symptomatic ay hinihikayat pa ring magsuot ng face mask.

 

Follow SMNI News on Twitter