Resulta ng forensic examination sa cellphone ng kapatid ng middleman sa Lapid killing, hindi pa mailalabas

Resulta ng forensic examination sa cellphone ng kapatid ng middleman sa Lapid killing, hindi pa mailalabas

ISINALANG na sa forensic examination ng National Bureau of Investigation (NBI) ang cellphone ng nagpakilalang kapatid ng middleman sa Percy Lapid killing.

Kumbinsido naman si Justice Secretary Jesus Crispin Remulla na makakuha ang NBI ng mga mahahalagang impormasyon mula sa naturang cellphone dahil doon makikita ang palitan ng mga mensahe ng umano’y middleman na si Jun Villamor at ng babaeng kapatid nito.

Kaugnay nito’y naniniwala si Remulla na mabigat at napakahalaga ang mga pahayag ng babaeng kapatid ni Villamor dahil hindi hearsay ang mga kuwento at ipinabasa pa sa kanya ang mga text messages ng kanyang kapatid.

Samantala hindi naman nabanggit ni Remulla kung kailan isusumite ng NBI ang resulta ng forensic examination sa naturang cellphone.

Follow SMNI NEWS in Twitter