IKINATUWA ng mga durian farmer mula sa Davao City ang naging resulta ng state visit ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. sa China kamakailan.
Ayon sa Durian Industry Association of Davao City (DIADC), nabigyan na ngayon ng halaga at importansya ang durian industry na dati umano’y nabibili lang sa P10 kada kilo at minsa’y tinatapon lang.
Ngunit dahil sa durian diplomacy ay naibebenta na nila ang prutas na durian sa P75 kada kilo.
Dahil dito, dumadami na ang nagtatanim ng durian sa Davao City, ito ang kinumpirma ni Emmanuel Belviz, presidente ng DIADC.
Dagdag pa nito na kaya rin nilang maka-produce ng 54,000 metric tons na durian papuntang China.