Seguridad ng mga kabataan, ipinauubaya ng isang anti-communist group sa bagong liderato ng NSA

Seguridad ng mga kabataan, ipinauubaya ng isang anti-communist group sa bagong liderato ng NSA

KASUNOD ng pagkakatalaga kay dating DILG Secretary Eduardo Año bilang bagong kalihim ng National Security Council (NSA), hindi napigilan ang matuwa ng kilalang anti-communist group sa bansa na League of Parents of the Philippines (LPP).

Agad na kanilang ipinauubaya sa kamay ni Año ang seguridad at pag-asa ng mga kabataan at mga magulang sa bansa mula sa mga natitira pang miyembro ng CPP-NPA-NDF sa bansa.

Anila, masaya at kumpiyansa silang maisusulong ang kampanya laban sa komunistang teroristang kilusan na CPP-NPA-NDF dahil batid nilang kaisa ng grupo ang kalihim sa nasabing adbokasiya.

Umaasa ang grupo na tuluyan nang mawawala ang CPP-NPA-NDF sa bansa at mailayo sa kapahamakan ang bawat komunidad at mga kabataan.

Nauna na ring pinuri ng grupo ang unang ginawang desisyon ni President Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., na ibalik sa serbisyo ang mga dating gabinete ni dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte na si Secretary Carlito Galvez Jr., na sinundan naman ngayon ni NSA Secretary Eduardo Año.

Follow SMNI NEWS in Twitter