Richard Yap, nagpalabas ng saloobin patungkol sa isang telco company

Richard Yap, nagpalabas ng saloobin patungkol sa isang telco company

HINDI maiwasang mairita ng aktor na si Richard Yap, dahil sa paulit-ulit na pag-notify ng isang telco company sa kanya.

Sa kanyang social media post, sinabi nito na sa mahigit 10 taon nitong pagiging subscriber ng nasabing kumpanya, ngayon lang ito nakaranas ng ganito.

Dagdag pa nito, na pag-patungkol sa payment mabilisan ang pag-aksyon ng nasabing telco kumpara sa tuwing nawawalan ng signal ang kanilang kumpanya.

Inulan naman ng samu’t saring komento at pagsang-ayon mula sa netizens ang pahayag ni Yap, na agad namang sinagot ng telco company na reresolbahin.

 

Follow SMNI News on Twitter