IPINAMUKHA ni dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte kay Sen. Risa Hontiveros na wala itong alam hinggil sa paglutas ng problema sa mga komunidad.
Hinggil ito sa tanong ng senadora kung trabaho nga ba ng isang pulis ang pumatay ng suspected criminals.
Bilang tugon ng dating pangulo sa tanong, binigyang-diin nito na matatalino ang mga pulis at hindi mauutusan na gumawa ng ilegal.
Ibig sabihin, kung may napatay man ang mga ito ay dahil nanglaban o walang planong mag-surrender ang kanilang pinupursiging tao na madalas ay mga suspek ng isang krimen.
Lalo na kung nahuli pa sa akto ang isang suspek na ginagawa ang krimen.