MAY mensahe ngayon si Ka Peter Mutuc na dating mataas na opisyal ng Communist Terrorist Group (CTG) na New People’s Army (NPA) kay Sen. Risa Hontiveros patungkol sa isang sikreto na pinakakatago ng mambababatas.
“Kung nakikinig si Risa, she knows what I was talking about. Alam niya kung anong ibig kung sabihin. Alam ni Risa,” ayon kay Peter Mutuc, dating mataas na opisyal ng NPA.
Iyan ang pasabog Ka Peter laban kay Hontiveros.
Si Hontiveros ang nasa likod ng mga pag-uusig kay Pastor Apollo C. Quiboloy sa Senado.
Ngunit para kay Mutuc, walang moral ascendancy si Hontiveros para pasaringan ng pang-aabuso ang butihing Pastor.
“Wala siyang karapatan eh na magsalita ng ganoon kay Pastor Quiboloy. Bakit? Ang tanong ko, malinis ba siya? Malinis ba si Risa? Mas madumi ba si Pastor Quiboloy sa kaniya?” aniya.
Nang matanong kung involved ba sa extra marital affair si Hontiveros, something like that ang naging sagot ni Mutuc.
Hindi naman nag-detalye pa si Mutuc sa nalalaman niyang sikreto sa senador.
Hirit naman niya kay Hontiveros, huwag itong magmalinis!
“Kapag hindi niya tinigilan ang kaniyang pinaggagawa na ‘yan, meron na talagang magsasalita. Ako ayokong… Hangga’t maaari, ayokong… Kasi ayokong pero masyadong personal ang pag-atake niya kay Pastor Quiboloy,” diin pa ni Mutuc.
Personal na kilala ni Mutuc si Pastor Apollo at batid na sinisiraan lamang ito ng mga witness ni Hontiveros.
At kung makaharap man aniya nito ng personal si Hontiveros, ito ang sasabihin niya.
“Itigil mo ‘yan! Dahil walang pupuntahan ‘yan. Nakita mo nangyayari, nahahalungkat din ang kababuyan mo,” wika pa ni Mutuc.
“Kung mambabato ka ng tao, huwag kang tatayo… Kung ang bahay mo, kung ang bahay mo ay salamin, kung ang bahay mo ay puro salamin huwag kang mambabato ng tao sapagkat sabog ang bahay mo,” diin ni Mutuc.