MAKIKITA na ngayong Marso 21 sa prime video ang action movie na “Road House” kung saan bida ang Hollywood actor na si Jake Gyllenhaal.
Ang 2024 film na ito ay remaking ng pelikulang may kaparehong pamagat noong 1989 at pinagbidahan naman ni Patrick Swayze.
Binigyang-diin lang ni Gyllenhaal na bagamat pareho ay akma sa makamodernong panahon ang setting ng 2024 “Road House”.
Sa pelikula, gaganap bilang Elwood Dalton na isang dating UFC fighter si Jake.