BIBIDA sa isang Hollywood indie movie si KC Concepcion.
“Art is universal expression, not bound by race.”
Ito ang katagang binitawan ni KC na naka-base ngayon sa Estados Unidos na bibida sa isang indie Hollywood na “Asian Persuation”.
Ayon pa kay KC, masaya siya na nakabalik na sa pag-arte kasabay ng pagpapaalala sa mga homegrown aspiring Filipino artist na nais magkaroon ng karera sa ibang bansa na ‘wag mawalan ng pag-asa.
Dagdag pa ng aktres, kailangan lang na huwag limitahan ang sarili at maniwala lang na darating din ang araw na mangyayari ang magagandang nais mo sa buhay.
Ipinunto pa ni KC na hindi niya inaasahang makabalik pa sa pag-arte, isa lang itong pangarap niya pero ngayon ay nagkaroon ng katuparan.
Makakasama ni KC sa Hollywood indie film ang Filipino-American actors na sina Dante Basco at Paolo Montalban na ididirek naman ni Tony at Grammy winner Jhett Tolentino.