Robredo, hahayaan ang ICC na imbestigahan ang ‘war on drugs’ ni Pangulong Duterte

Robredo, hahayaan ang ICC na imbestigahan ang ‘war on drugs’ ni Pangulong Duterte

HAHAYAAN ni Vice President Leni Robredo ang International Criminal Court (ICC) na maimbestigahan ang ‘war on drugs’ ni Pangulong Rodrigo Duterte sakaling manalo ito sa pinakamataas na posisyon ngayong halalan.

Inihayag ni Vice President Leni Robredo na papayagan niya ang mga imbestigador mula sa International Criminal Court na imbestigahan ang kampanya ni Pangulong Duterte laban sa droga.

Ayon kay Robredo, magiging bukas siya sa imbestigasyon dito dahil kung walang itinatago ay wala dapat na ikabahala.

“I will allow it. It will be very open, very transparent. If there is nothing to hide, there is nothing to fear,”ayon kay Robredo.

Dagdag pa nito na hindi lang niya papayagan ang ICC na imbestigahan ang ‘war on drugs’ dahil isusulong din nito na muling makasali ang bansa sa International Tribunal.

Ani Robredo, isusulong niyang maibalik ang bansa sa ICC dahil sa mahalagang may tumitingin din sa pamahalaan.

“I will propose that we restore our membership with the ICC because this is very important to keep government in check,”saad ni Robredo.

Kaugnay nito, sinabi ni Robredo na wala siya sa posisyon para magsalita kung dapat bang mahatulan si Pangulong Duterte kaugnay sa isyu ng kriminalidad ng ICC para sa Pangulo.

“I do not have the capacity to say whether or not he needs to be prosecuted because it’s still in the preliminary stage of investigation,” dagdag ng bise presidente.

BASAHIN: Bongbong Marcos, payag pumasok ang ICC team sa bansa ngunit bilang turista lang

Follow SMNI NEWS on Twitter