NAGPULONG kamakailan sina Vice President Sara Duterte kasama ang opisyal ng Commission on Higher Education (CHED) at ilang mambabatas para sa pagbabalik ng Reserve Officers’ Training Corps (ROTC).
Ayon kay VP Duterte, nagkaroon na sila ng initial meeting kasama ang CHED, ilang kongresista at senador kung paano ipatutupad ang ROTC.
Inilahad ni VP Duterte na sa kanilang pagpupulong napag-usapan na sa higher education o sa kolehiyo na lamang ipatupad ang nasabing programa.
“During our discussion, I think it was clear sa lahat na mas maganda kung ibalik ang ROTC sa higher education since noon, nasa higher education na talaga siya,” pahayag ni VP Sara.
Binigyang-diin naman ng bise presidente na sa basic education, ituturo na lamang ang disiplina at pagmamahal sa bansa.
“The basic education will focus on other parts of the curriculum na mag-instill ng discipline and love of country sa ating mga learners,” ayon kay VP Sara.
Matatandaang una nang inihayag ni CHED Chairperson Prospero de Vera ang kaniyang pagsuporta sa pagbabalik ng ROTC.
Inilahad din ni De Vera na nakipagpulong na ang CHED kina Vice President Duterte at Senador Ronald “Bato” dela Rosa para sa pagbalangkas ng isang panukala para sa muling pagpapatupad ng ROTC.
MGA KAUGNAY NA BALITA:
ROTC curriculum, ituturo sa Grade 11 at 12 – DND
NPA recruitment sa mga kabataan, mapipigilan kung mayroong mandatory ROTC – dating kadre
AFP, posibleng magdagdag ng bagong programa sa pagsasabuhay ng ROTC sa bansa
Best practices ng ibang bansa sa ROTC, posibleng ikonsidera ng Pilipinas
Training sa putikan, pagpapatatag sa ROTC trainees – Army Reserve Command Chief