BACK in action na si RR Pogoy matapos nagpahinga dahil sa myocarditis, isang uri ng heart condition.
Nitong Enero 14, 2024 ang basketball comeback ni Pogoy kung saan naipanalo ng kanilang koponan na TNT Tropang Giga sa iskor na 116-96 ang game kontra Phoenix Fuel Masters.
Huling naglaro si RR noong Setyembre sa 2023 FIBA World Cup at dahil sa myocarditis ay hindi ito nakitang naglaro sa loob ng tatlong buwan.
Orihinal na anim na buwan ang dapat ilaan bilang pahinga subalit nakakuha na ng clearance noong Disyembre 2023 ang manlalaro.
Para naman kay Pogoy, milagro ang mabilis niyang recovery.