HINDI na kabilang sa requirements ang RT-PCR test result para sa mga Davao City-bound travelers hanggang sa ika-30 ng Hunyo ngayong taon.
Inihayag ni Mayor Sara Duterte sa kanyang programa na extended ang pagtangal sa RT-PCR test bilang requirement sa mga pasaherong patungong Davao by land, Air at Sea.
Base sa pinirmahang Executive Order ng Alkalde o ang EO no. 2 series of 2022.
Ang naturang extension ay nagsimula nitong ika-16 ng Enero at magwawakas sa ika-30 ng Hunyo simula pa sa EO 66 series of 2021 na inilabas ni Mayor Sara nuong ika-15 ng Nobyembre na magtatagal dapat nitong ika-15 ng Enero ngayong taon.
Nakasaad din sa naturang EO na hindi na dapat ipagpatuloy pa ang pag-implementa ng existing protocols para sa mga babyahe patungong Davao City by land, Sea at Air, International o National man kasunod ng nagpapatuloy o active na vaccination rollout sa lungsod.
As of january 15, 2020 nakapagtala na ng 97.58 % ng target population ang nabakunahan sa Davao City ng first dose, habang 92.9 % naman ang nasa second dose, habang nasa 121, 050 naman ang nakatanggap na ng COVID boosters.
Samantala, wala namang travel document na kailangan sa pag pasok sa lungsod maliban nalang sa security checks na isinasagawa ng mga tauhan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) and Philippine National Police (PNP) na maaring maghingi para sa isinasagawang anti-crime, anti-illegal drugs, at anti-terrorism operations.
Lahat ng arriving International flight passengers kabilang na ang International passengers na dadating sa pamamagitan ng Domestic connecting flights ay kinakailangan pa ring magbigay ng requirements at guidelines mula sa Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-MEID).
Samantala, pinirmahan din ni Mayor Sara ang EO no. 1 series of 2022 na nag-eextend sa liquor ban at curfew sa Davao City hanggang sa ika-30 din ng Hunyo na layong ma curb ang pagkalat ng COVID-19 sa lungsod.