IPINAKITA ng Prime Minister ng United Arab Emirates at Ruler ng Dubai na si Sheikh Mohammed Bin Rashid Al Maktoum ang suporta nito para sa katabing bansa na Qatar sa pagdalo nito sa opening ceremony ng prestihiyosong FIFA World Cup sa Doha.
Si Sheikh Mohammed ay sinamahan ng kanyang anak na si Sheikh Hamdan Bin Mohammed Bin Rashid Al Maktoum, Crown Prince ng Dubai.
Sa isang Twitter post, inihayag ng Ruler ng Dubai na kahanga-hanga ang opening ceremony ng World Cup at pinuri ang rehiyon para sa isang makasaysayang ganap na pagho-host ng isa sa pinakaimportanteng pangyayari sa mundo.
“Today I witnessed the opening ceremony of the World Cup, historical moments our region is experiencing, hosting the most important event in the world. Doha will be the capital of world sports for a month from today. May God protect it and bring [Qatar’s] people and leadership all the success,” ani His Highness Sheikh Mohammed Bin Rashid Al Maktoum, Vice-President and Prime Minister of the UAE and Ruler of Dubai.
Kasama ni Sheikh Mohammed at Sheikh Hamdan sa opening ceremony ang Emir ng Qatar, senior officials at ilang heads of state.
Ilan sa high level Arab leaders ay nagbiyahe pa patungong Doha para sa opening ceremony noong Linggo ay ang Crown Prince ng Saudi Arabia na si Mohammed Bin Salman Al Saud, at ang kanyang mga ministro maging ang Egyptian President na si Abdel Fattah El Sisi.
Malaki naman ang benepisyo ng Dubai mula sa World Cup na ito dahil ang demand para sa private jets ay umangat habang ang mga hotel sa siyudad ay nakakapagtala ng 100 porsiyento na occupancy rate.
Matatandaan na dumalo sa opening ceremony si Sheikh Mohammed matapos makatanggap ng imbitasyon mula sa Qatari Emir na si Sheikh Tamim Bin Hamad Al Thani.