Russian Pres. Vladimir Putin, bibisita sa Kuril Islands na inaangkin rin ng Japan

Russian Pres. Vladimir Putin, bibisita sa Kuril Islands na inaangkin rin ng Japan

NANGAKO si Russian President Vladimir Putin na bibisitahin nito ang grupo ng mga isla na matatagpuan sa far east region ng Russia kabilang ang mga islang inaangkin rin ng Japan.

Sa isang town hall meeting sa Khavarivsk region na ipinakita naman sa state television, inihayag ni Putin na magtutungo ito sa Kuril Islands pero hindi kinumpirma kung kailan.

Nakikipag-agawan ang Russia sa nasabing isla kabilang ang mga isla na inaangkin rin ng Japan.

Ang apat na isla ay tinatawag na northern territories ng Japan at southern Kurils naman sa Russia.

Hanggang sa ngayon ay pinaninindigan ng Japan na iligal na kinuha ng Soviet Union ang apat na isla na pinangalanang Etorofu, Kunashiri, Shikotan at Habomai noong nagtapos ang World War 2.

Pero ayon sa Moscow, ligal ang pagkakakuha nila sa mga isla.

Matatandaan na paulit-ulit na nagpoprotesta ang gobyerno ng Japan laban sa senior Russian officials na bumibisita sa mga isla kabilang na ang pagbisita ni dating Russian President Dmitry Medvedev noong 2010 at Russian Prime Minister Mikhail Mishustin noong Hulyo taong 2021.

Ang bilateral na negosasyon sa pinag-aagawang mga isla at ang peace treaty ay sinuspinde mula nang magpatupad ng economic sanctions ang Tokyo sa Moscow.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter