IBINAHAGI na ng aktres na si Ryza Cenon na sinisimulan na nilang itayo ng kanyang non-showbiz partner ang kanilang dream family home.
Ibinahagi ng aktres sa kanyang social media account ang mga larawan ng groundbreaking ceremony ng kanilang future home.
Matatandaan na noong nakaraang taon nang ibahagi rin ni Cenon ang larawan nito ng kanyang pamilya sa isang empty residential lot at sinabing dito nila itatayo ang kanilang magagandang alaala ng kanyang pamilya.
Matatandaan na winelcome ni Cenon at ng kanyang partner na si Miguel Cruz ang una nitong anak noong October 2020.
Sinabi rin ni Cenon na plano nilang ilaan ang kanilang atensyon sa kanilang anak bago pa man sila magpakasal.