S. Korea at US, posibleng magsagawa ng live fire drills sa gitna ng banta ng North Korea

S. Korea at US, posibleng magsagawa ng live fire drills sa gitna ng banta ng North Korea

IKINUKUNSIDERA ng South Korea at Estados Unidos ang large scale joint fire demonstration o live fire drills sa susunod na taon sa gitna ng banta ng North Korea.

Posible umano ang live fire drills na ito kasunod ng paghahanda ng South Korea at Estados Unidos sa ika-70 anibersaryo ng kanilang alyansa sa susunod na taon.

Ang demonstrasyon na ito ay isa muling pagpapakita ng sanib-pwersa nito kasunod ng mahabang hiatus sa ilalim ng bagong administrasyon.

Noong Martes, pinalipad ng Estados Unidos ang F22 Raptor Stealth Fighters nito para sa joint drills kasama ang South Korea sa unang pagkakataon mula noong 2018.

Noong buwan naman ng Setyembre unang nagsagawa ng exercise ang bansa kasama ang US aircraft carrier mula noong 2018.

Ang mga exercise na ito ay itinigil sa ilalim ng administrasyon noon ni Pres. Moon Jae in na prayoridad ang engagement kasama ang norte.

Matatandaan na ilang beses na nagsagawa ng testing sa missile ngayong taon ang North Korea kabilang na ang ICBM o mga missile na idinesenyo para atakihin ang U.S. Mainland.

BASAHIN: South Korea, pinaboran ang pagpapatanggal sa Iran sa Women’s Rights Body ng UN

BASAHIN: South Koreans, babata ang edad kasabay ng pagbabasura sa tradisyonal na paraan ng pagbibilang nito

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI NEWS in Tiktok