INIHAYAG ni Chief Minister Datuk Seri Hajiji Noor na ilulunsad ng estado ng Sabah ang programang Sabah Malaysia My Second Home (SMM2H) upang mas mahikayat ang mga dayuhan na gustong lumipat at manirahan sa estado.
Ayon kay Datuk Hajiji Noor, inaprubahan ng gabinete ng estado ang programang SMM2H na ilulunsad.
Aniya, inaasahan na ang paglulunsad ng SMM2H program sa Sabah ay lilikha ng mga pagbabago sa ekonomiya ng estado.
Dagdag pa nito, ang SMM2H ay hindi susunod sa mga bagong alituntunin at patakaran na ibinigay ng federal MM2H.
Samantala, batay sa ulat ng Malaysian Investment Development Authority, nakakuha ang Sabah ng halagang 9.9 billion Malaysian ringgit ng foreign investments mula Enero hanggang Setyembre 2022.