San Jose Del Monte, Bulacan, April 30, 2025 — Dinumog ng mga residente ng San Jose Del Monte, Bulacan ang float ni Senatorial Candidate Pastor Apollo C. Quiboloy habang isinasagawa ang motorcade ng PDP-Laban sa lugar.
Libu-libong tagasuporta ang nagtipon upang ipahayag ang kanilang malakas na pagsuporta sa kandidatura ni Pastor Quiboloy, na isa sa mga kandidato sa ilalim ng “DuterTEN” slate ng PDP-Laban.
Ayon sa mga residente, si Pastor Apollo C. Quiboloy ay isa sa kanilang mga pangunahing iboboto sa darating na halalan. “Si Pastor Apollo ang aming iboboto dahil sa kanyang malasakit sa mga tao at sa kanyang mga adbokasiya na makikinabang ang lahat ng Pilipino,” pahayag ng isang residente. “Ang PDP-Laban at ang ‘DuterTEN’ slate ay magpapatuloy ng mga proyektong nakatulong sa aming komunidad.”
Ang motorcade, na bahagi ng mas malaking kampanya ng PDP-Laban, ay naglayong makapagbigay ng mensahe ng pagbabago at pag-unlad sa mga komunidad.
Sa bawat kanto at kalye, ramdam ang sigla at suporta ng mga tao sa mga kandidato ng partido, lalo na kay Pastor Quiboloy na tumatak sa kanilang mga puso bilang isang lider na may malasakit sa mga pangangailangan ng nakararami.