PINAG-AARALAN ng San Juan City government ang pagbubukas ng pangatlong vaccination site sa Greenhills Shopping Center.
Ito’y patuloy na pagsisikap ng San Juan LGU na maturukan ang kanilang mga nasasakupan ay maaaring makuha ng lungsod ang herd immunity ngayong Agosto.
Layunin ng pagpalawig ng vaccination site ay upang maiangat sa limang libong katao ang maaaring mabakunahan sa kada araw.
Plano ring palawigin ng lokal na pamahalaan ang vaccination hours sa kanilang vaccination sites.
Sa kasalukuyan ay nakapagbakuna na ang San Juan City government ng 56,296 na residente na katumbas ng 66% na ng target population ng lungsod.
Ipinagmalaki rin ng San Juan City na nitong Martes na apat na barangay na sa lungsod ang COVID-free.
Samantala, sa huling tala ng lokal na pamahalaan noong Martes ay 72 na lamang ang mga aktibong kaso sa lungsod.
Sa kasalukuyan, pumapalo na sa tatlong libo ang nababakunahan sa San Juan kada araw.
Inaasahan na sa Agosto 10 ay maaabot na ng lungsod ang herd immunity.
(BASAHIN: Mas mabilis na vaccination process, ilulunsad sa San Juan City)