MULING magbabalik sa Pilipinas para sa isang concert ang K-pop star na si Sandara Park para sa kaniyang grand comeback.
Sa kaniyang social media post, sinabi ni Sandara na excited na itong makabalik sa Pilipinas para i-share sa kaniyang mga fans ang kaniyang mga bagong kanta.
Gaganapin ang nasabing concert ni Sandara sa Agosto 11, 2023 sa SM Mall of Asia area.
Makakasama ni Dara sa kaniyang concert ang Mamamoo+, Lapillus at Kepp1er.
Huling nagkaroon ng concert si Sandara sa Pilipinas taong 2022 sa ginanap na Masterz Manila Concert sa Araneta Coliseum kasama nito ang mga K-pop idol na sina Bambam, Jackson Wang, at boy group na Treasure.