PAPANGALANAN ni dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang sangkot na mga heneral sa ilegal na droga.
“I’m saying to the police, to the government, government of the Philippines, we have a fractured police force for this country,” ayon kay FPRRD.
Ganito inilarawan ni dating Pangulong Duterte ang hanay ng pulisya sa ating bansa.
Sa programang “Gikan sa Masa, Para sa Masa”, ipinakita ng dating Pangulo ang kaniyang pagkadismaya at isiniwalat na marami nang tiwali na nakapasok sa pulisya kabilang na ang mga matataas na opisyal nito.
Ani Duterte, handa niyang pangalanan ang mga heneral at iba pang matataas na ranggo na pinaniniwalaan niyang sangkot sa korapsiyon at droga.
“Alam mo maraming hoodlums ang nakapasok sa police even ‘yung mga colonels ngayon pati naging generals, maraming corrupt diyan talaga. At puwede kung sabihin at one time maybe, I will announce all their names na whom I believe na corrupt pati na sa droga, makausap mo lang ‘yung nasa ground level pati ‘yung sa second…….of bureaucracy sa police,” dagdag ni Duterte.
Duterte: Ang pulis mismo nasa droga na
Naniniwala si dating Pangulong Duterte na mismong mga pulis ay sangkot na sa droga kaya hanggang ngayon ay wala silang maiturong suspek sa nakumpiskang 990 kilo ng shabu noong Oktubre 2022.
“Itong tonelada na in the hands of the police in the control of the police without a suspect until now wala silang maituro, I think ang police mismo nasa droga na. Hindi lang ‘yan sa proteksyon o they are trying to cover up. Ang police mismo napasukan na, sila na mismo ang sindikato,” ani Duterte.
Binigyang-diin naman muli ni Duterte na ang tanging solusyon dito ay mag-resign na ang mga pulis na sangkot sa nasabing cover-up.
Aniya, kung siya lang ay hahayaan na muna niya ang militar ang mamahala at magpanatili ng kaayusan sa bansa dahil mas may kumpiyansa siya ngayon sa mga sundalo.
“The army would be too happy to take over band I supposed that is what should happen…”
“I would allow the military to take over and maintain order in the meantime. And we will continue the war against the communist those who would like to destroy our country,” aniya.
Samantala, isa ngayon sa 5 focused agenda ni Philippine National Police (PNP) chief PGen. Benjamin Acorda ang integrity enhancement ng kapulisan sa pamamagitan ng aggressive and honest law enforcement operation at pagpalalakas ng integrity monitoring enforcement group upang maayos at mailagay sa tamang disiplina ang iilang mga pulis na naliligaw ng landas.