McDonald’s PH, direktang mag-hire ng 20-K na empleyado

McDonald’s PH, direktang mag-hire ng 20-K na empleyado

DIREKTANG mag-hire ng 20 libong Pilipino ang McDonald’s Philippines ngayong taon.

Hakbang ito ng kompanya para sa kanilang pagpapalawig ng negosyo sa buong bansa.

Prayoridad sa hiring ng management trainees ay mula sa Nueva Ecija, Isabelam Montalban, Dumaguete, Bacolod, Makati, Manila, Quezon City, Pampanga, Tagaytay, Batangas, Cavite, Laguna, Quezon, Rizal, Lucena, at Pasig City.

Prayoridad naman para sa crew members ay mula sa Parañaque, Manila, Pasay, Pasig, Marikina, Taytay, Antipolo, Kidapawan, at Davao City.

Follow SMNI NEWS in Tiktok