NAGKAROON ng pagpupulong o dayalogo ang Justice Coordinating Council (JSCC) bilang bahagi ng commitment nito na magkaroon ng tuluy-tuloy na pag-uusap para sa justice system ng bansa.
Ang Korte Suprema, Department of Justice at Department of Local Interior Government na siyang bumubuo ng JSCC ay nagkaroon ng dayalogo, araw ng Miyerkules.
Bahagi ito ng Justice Zone Dialogue Series ng JSCC.
At sa unang pagkakataon pagkatapos ang third leg ng Justice Zone Dialogue, ay nagkasama nga sina Chief Justice Gesmundo, DILG Sec. Benhur Abalos at DOJ Secretary Jesus Crispin Remulla para ipakita na handa silang makipagtulungan sa isa’t isa para sa pagpapaunlad ng justice system.
Ayon kay Chief Justice Gesmundo, na ang dayalogo ay nakakapagbigay ng kakaibang oportunidad para makapagkita-kita ang judiciary at nang mapag-usapan ang mga hamon at mga concern na dapat agad na ma-address.
Hinikayat din nito na ang mga interesadong stakeholders na magkaroon ng inobasyon at paunlarin ang proseso sa pagbibigay ng hustisya.
“The innovation that is the justice zone, is, by itself, a compelling example that innovation works for us in the justice sector and its importance is always a non-issue,” ani Chief Justice Alexander Gesmundo, Supreme Court of the Philippines.
Habang si Justice Secretay Remulla, itinutulak ang pagpapataas ng antas ng paglalahad ng ebidensya para sa paghahain ng kasong kriminal sa korte.
Giit ni Remulla, na maliban sa paghahanap ng probable cause ay kailangang makahanap ang mga ito ng ‘reasonable of certainty of conviction’ para makapaghain ng mga kalidad na mga kaso.
“We all know that there is a need to narrow the great divide between the current degree of proof needed for the filing of a criminal information, probable cause, and that of conviction, which is proof beyond reasonable doubt,” ayon kay Sec. Jesus Crispin Remulla, Department of Justice.
Makakatulong din aniya ito para madecongest ang mga court dockets at para mabigyan ng mas maraming oras para sa pagdinig ng kaso ang mga husgado kung saan kumpleto ang mga ebedensya.
Si DILG Sec. Abalos naman, pumapabor din sa paggamit ng advance na teknolohiya para sa Justice sector.
Punto nito na ang DILG ay kasakuluyan nang gumagamit ng teknolohiya para sa crime detection at policing.