MALAKI ang maitutulong ng scholarship at Return Service Program (RSP) para sa mga nursing.
Ayon kay Anakalusugan Party-list Rep. Ray Reyes, isa itong ‘win-win’ solution para sa mga estudyante na nais kumuha ng nursing course at para matugunan ang kakulangan nito sa bansa.
Sa ulat ng Professional Regulatory Commission (PRC) hanggang March 2023, 53.55% lang ng kabuoang 951, 105 registered nurses ang nasa bansa.
Dahil dito, sa House Bill No. 6631, isang ‘pay it forward’ scholarship ang iaalok sa mga deserving na mga estudyante mula sa state universities at colleges mapam-publiko man o mapa-pribado.
Libre ang magiging tuition at iba pang school fees, book at supplies allowance, maging ang financial aid sa internship at medical insurance.
Ang kapalit ng mga benepisyong ito ay magsisilbi sila sa provincial o municipal hospital ng 1½ taon para sa bawat academic year na ito.