NAKIPAGPULONG si Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Rex T. Gatchalian kay National Commission on Indigenous Peoples (NCIP) chairperson Allen A. Capuyan upang i-explore ang iba pang paraan na mapabuti pa ang pagpapatupad ng mga social protection programs para sa indigenous peoples (IPs) sa bansa.
Sa pagbisita ni Gatchalian sa NCIP Central Office sa Quezon City nitong Miyerkules ng Abril 12, nagkaroon ng maikling orientation sa mga programa, proyekto sa hinaharap, at mandato ng NCIP, gayundin ang kasalukuyang landscape at sitwasyon ng mga indigenous community sa Pilipinas.
Idiniin ni Capuyan ang operationalization ng 11 Building Blocks ng Resilient, Responsive, and Relevant IPs in Ancestral Domains at pagpapalakas ng Indigenous Political Structure sa IPs ng bansa.
Pinuri ng kalihim ang NCIP para sa mga pagsisikap at inisyatiba nito upang makamit ang building blocks tungo sa pagpapalakas ng mga kakayahan at potensiyal ng mga indigenous community sa bansa.
Gayunpaman, inirerekomenda ni Gatchalian na pagtuunan at bigyang-priyoridad ang pagpapatupad ng isang building block upang matiyak ang makabuluhang epekto at tagumpay sa medium term.