PERSONAL na dinaluhan ni Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Erwin Tulfo ang launching ng Emergency Cash Transfer sa Abra Province, ngayong Lunes.
Ang unconditional cash ay sumusuporta sa early recovery ng higit 80,000 na apektadong pamilya.
Ang nasabing pamilya ang apektado ng naganap na 7 magnitude na lindol sa Abra, Hulyo 27, 2022.
Dumalo rin sa naturang programa ang iba’t ibang opisyal ng DSWD at lokal na pamahalaan ng Abra.