Secretary Mark Villar, may pahiwatig ng pamamaalam sa kanyang posisyon

Secretary Mark Villar, may pahiwatig ng pamamaalam sa kanyang posisyon

MAY pahiwatig ng pamamaalam sa kanyang posisyon si Secretary Mark Villar kaugnay sa pagtakbo nito sa mas mataas na posisyon sa gobyerno.

Bagamat wala pang malinaw na plano si DPWH Secretary Mark Villar para sa nalalapit na 2022 elections, tila may mga pahiwatig naman ito ng pamamaalam sa kanyang posisyon sa gobyerno.

Sa kanyang talumpati sa inagurasyon ng dalawang retarding basin o kauna-unahang man made reservoir sa bansa na itinayo sa Imus at Bacoor sa Cavite, personal nitong pinasalamatan ang kanyang mga kasamahan  sa kagawaran dahil aniya sa sama samang tagumpay  sa pagtupad sa mandato ng DPWH katuwang ang lahat ng ahensiya at lokal na pamahalaan sa bansa.

Nauna nang pinangalanan si Villar bilang isa sa mga senatoriable sa ilalim ng PDP laban party.

Pero sa kabila nito nananatili pa ring tahimik ang kampo ng kalihim sa kanyang plano sa politika.

Hinangaan si Villar sa kasipagan nito sa ilalim ng Build Build Build program ng Duterte administration.

Mula sa mga tulay, mga daan, farm to market roads, regional at national roads, ibat ibang gusali at paaralan at marami pang iba.

Sa katunayan, ilang buwan bago magtapos ang termino ni Pangulong Duterte, tuluy tuloy pa rin ang pagpapasinaya ng mga proyekto na nasa ilalim ng Build Build Build program ng pamahalaang Duterte.

Makailang beses ding binanggit ang pangalan ni Secreatry Mark Villar ni Pastor Apollo na may potensiyal aniya na maging susunod na Pangulo ng bansa dahil sa malawak na bisyon nito tungkol sa ikauunlad ng bansa lalo na sa ekonomiya ng Pilipinas.

Bukod kina Villar, potensiyal din ani Pastor Apollo na maging Chief Executive ng bansa sina transport Secretary Art Tugade, SMC president and CEO Ramon Ang.

Habang maaari ding maging parte ng administration party ang ilang cabinet secretary gaya ni DENR Sec. Roy Cimatu, at mga host ng Laban kasama ang Bayan ng SMNI news channel na sina ka Eric, Usec. Lorraine Badoy, at retired General Antonio Parlade Jr.

Paglilinaw naman ni Sec. Villar, agad nitong ipaaalam sa publiko ang kanyang buong desisyon sa pagpasok sa politika sa susunod na mga araw.

Matatandaang isang linggo nalang, mag uumpisa na ang filing of candidacy na magsisimula sa October 1 at magtatapos sa October 8, 2021.

SMNI NEWS