Seguridad para sa BSKE sa BARMM, patuloy na pinaghahandaan

Seguridad para sa BSKE sa BARMM, patuloy na pinaghahandaan

PUSPUSAN ang paghahanda ng Philippine National Police (PNP) sa latag ng seguridad para sa Barangay at SK Elections (BSKE).

Ito ang inihayag ni PNP chief Police General Benjamin Acorda, Jr. sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) Stakeholders’ Summit for Unity and Peace sa Sultan Kudarat.

Ayon kay Acorda, kabilang sa tinututukan ng PNP ang peace and order situation at security measures upang matiyak na magiging mapayapa ang pagdaraos ng halalan.

Nabatid na ginawa ang forum upang palakasin ang pagtutulungan ng PNP at mga lokal na opisyal sa pagpatutupad ng mga plano at programa sa Bangsamoro Region.

Dumalo sa forum sina PRO Bangsamoro Regional Director Police Brigadier General Allan Nobleza, BARMM Senior Minister Abunawas Maslamama, BARMM Ministry of Interior Atty. Naguib Sinarimbo at iba pang opisyal ng PNP.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter