NARARAMDAMAN pa rin ng karamihan ang epekto ng inflation sa kabila ng pagtaas ng 7.6% sa Gross Domestic Product ng bansa ngayong 3rd quarter ng 2022.
Ang inflation ay nasa pagkain kung kaya’t mas magandang lalo pang pagandahin ang sektor ng agrikultura ayon kay Albay 2nd District Rep. Joey Salceda na isa ring ekonomista sa panayam ng SMNI News.
Subalit sinabi naman ni Salceda, may 2% na pagtaas ang sektor ng agrikultura ngayon.
Aniya, nakakatuwa at tumaas ito sa unang pagkakataon dahil lagi lang negative ang output sa naturang sektor sa nagdaang mga panahon.