NAGSASAGAWA ang Taguig City Government ng series of seminar at workshops para sa mga Early Childhood Care and Development Childcare Development Workers.
Mahigit 250 na child development workers at teacher aides ang nakibahagi sa seminar na ito upang malaman ang maaaring gawin ng child development workers at teacher aides para protektahan ang mga kabataan laban sa Online Sexual Abuse and Exploitation of Children (OSAEC).
Tinalakay ng resource speaker mula sa International Justice Mission (IJM) na si Mr. Glenn de Guzman kung paano matukoy ang mga red flag o senyales na ang isang bata ay nakararanas ng pang-aabuso.
Kasama rito ang mga katanungan na maaaring itanong sa bata at ang tamang referral system o proseso ng pag-report upang malaman ang tamang paraan ng pagligtas at pagtugon sa batang biktima.
Ito ang pang-anim na session mula sa 10 seminar at workshop na gaganapin ngayong buwan ng Oktubre.