Sen. Bong Go, suportado ng ilang mga senador ang isinusulong na mandatory evacuation centers

Sen. Bong Go, suportado ng ilang mga senador ang isinusulong na mandatory evacuation centers

IKINATUWA ni Senator Christopher “Bong” Go na ang ilan niyang mga kapwa mambabatas ay nais ding magkaroon ng mandatory evacuation centers sa bansa.

Ayon kay Go, patuloy niyang isinusulong ang pagsasabatas ng kanyang panukalang Mandatory Evacuation Center Act.

Pagbibigay-diin niya, napakahalaga ng pagpapatayo ng mandatory evacuation centers sa mga probinsya, siyudad, at munisipyo upang magkaroon ng ligtas, malinis at equipped temporary shelters ang mga kababayan nating nabiktima ng sakuna.

Samantala, ipinunto rin ng senador kung gaano kahalaga ang pagkakaroon ng sapat na budget para makatulong sa pagbangon ng mga komunidad na nasalanta ng kalamidad.

Follow SMNI NEWS in Twitter