Sen. Bong Go, todo suporta sa mga atleta ng Bohol

Sen. Bong Go, todo suporta sa mga atleta ng Bohol

TODO suporta sa mga atleta ng Bohol si Senator Christopher ‘Bong’ Go.

Personal na nagbigay ng suporta, tulong sa mga mahihirap na atleta at mga barangay worker sa Cortes, Bohol si Sen. Bong Go.

Kasabay sa pagbisita niya sa lalawigan ang pag-inspeksiyon sa isinasagawang construction ng Governor Celestino Gallares Multi-Specialty Medical Complex at monitoring visit sa Malasakit Center ng Governor Celestino Gallares Memorial Hospital (GCGMH) sa Tagbilaran City.

Namahagi si Go at ang kaniyang team ng grocery packs, masks, vitamins, t-shirts, at snacks sa isang libong indigent athletes, coaches, referees, at sa barangay workers bilang karagdagan na piling mga benepisyaryo ang nakatanggap ng bisekleta, mobile phones, sapatos, relo, bola ng basketball, at volleyball.

Kaisa ang senador ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. sa pagbibigay-diin sa kahalagahan ng isports sa nation-building.

Binigyang-diin din ni Go ang kahalagahan ng paglikha ng mga oportunidad para sa mga batang atleta, kabilang ang mga scholarship, training programs, mga insentibo at ang patuloy na pamumuhunan sa mga lokal na pasilidad sa palakasan.

Isa sa pinakamalaking ospital sa Visayas, ininspeksiyon ni Sen. Go

Samantala, ininspeksiyon din ng senador ang isinasagawang construction ng Governor Celestino Gallares Multi-Specialty Medical Complex sa Cortes at kaniyang binisita ang Malasakit Center ng Governor Celestino Gallares Memorial Hospital (GCGMH) sa Tagbilaran City.

 “Yung tinatayo po ngayon isa po ‘yun sa pinakamalaking ospital sa buong Visayas. Ako po ang sponsor noon, sa Senado at sa Kongreso naman si Cong. Chatto, siya ang nag sponsor nun, magtutulungan po kami with the LGU para mapa-improve pa po ang ating ospital, at plano pong paglalagyan ‘yan ng mga Specialty Center,” ayon kay Senator Christopher ‘Bong’ Go.

Ang isang Specialty Center ay magkakaroon ng Heart Center, Kidney Center, Lung Center, neonatal at Mental Health Center.

Ayon pa kay Go, ang nasabing ospital ay magiging isang multi-specialty hospital at hindi na kailangan bumyahe ng mga Boholano sa ibang lugar para magpa-opera.

“Kung sakaling matapos ‘yung ospital niyo rito, it’s a multi-specialty hospital, puwede pong paglalagyan ng mga Heart Center, Specialty Center para hindi na kailangan mag biyahe ‘yung mga Bol-anon na pumunta pa ng Cebu o Manila. Puwede na dito operahan sa ospital ninyo rito sa Bohol,” dagdag ni Go.

Ipinaliwanag naman ni Go ang kaibahan ng Malasakit Center at Super Health Center.

Ang Malasakit Center ang tutulong sa mga hospital bills, habang ang Super Health Center naman ay isang medium type na poly-clinic na mas maliit sa ospital at mas malaki sa Rural Health Unit (RHU) kung saan puwede ang panganganak, dental services, laboratory, x-ray at maaaring palawigin ng isang alkalde.

“Halimbawa, nag-decide si Mayor, lalagyan ng dialysis machine, puwede, para diyan na lang po i-dialysis, diyan na po manganak, hindi na po kailangan pumunta ng hospital, and it will help decongest the hospitals. Dahil ‘yung occupancy rate ng ating ospital ngayon, puro puno, buntis, puwede na manganak sa Super Health Center,” ani Go.

Dagdag pa ni Go, may itatayong 13 Super Health Centers sa Bohol sa loob ng dalawang taon, at mahigit 600 sa buong Pilipinas.

Ipinaabot ni Go ang kaniyang taos-pusong pasasalamat at paghanga sa mga lokal na opisyal sa pagiging katuwang sa pagpapabuti ng paghahatid ng serbisyo publiko sa mga Boholano.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter